Wednesday, August 10, 2011

OH OH MARIO!!!!

I first learned about Mario Maurer 3 years ago when I watched the Love Of Siam.

O diba? Totoy na totoy pa lang alam ko nang he is God's gift to girls... and pa-gurls!

Idagdag mo pa ang beki-bekihan plot ng film and so siya na ang naging peg ko for a bufra. So kung di ka man lang tulad ni Mario, wag ka nang mangarap makuha ang matamis kong oo. CHAROT! FEELING!

Back then, only a few knew who he was. Until he starred in another movie "Crazy Little Thing Called Love" (Read more about the movie here).

Sige, magpapogi ka pa!!!! (Kunyari ayaw heehee)

It came out on ABS-CBN so marami na ang nabaliw sa kanya. Gusto ko man silang sabunutan lahat, tinuruan naman ako sa CLE to share, so fine... pero hanggang tingin lang. AKIN?!?!

I know, di naman siya perfect. Matagal ko nang tinanggap na bopek siya heeehee. But I just wish he would beef-up a little more. Lam mo na, para pag hinug ka, ramdam mo naman kahit papano ang change in temperature.

I guess my prayers were answered when I saw this video courtesy of Miss Patch. Ladies and gentlemen, eto na po ang ang future hubby ko...

ALTA-PRESYON!!!! JUSKO ANG B.P. KO!!!!!!!!

Here's the video!


Malio Maulel. Ay bulol pala siya! CHUICE!

Aaminin ko di ko na mabilang kung ilang beses ko siyang pinanood. And for each time, inambisyon ko that I was part of that photoshoot! I wonder ano kayang mga iniisip ng mga beki na andoon? Alamin natin....

At the start of the shoot....
Pero may hindi na nakapagpigil...

Uhm, excuse me di po aso yan na pinapaliguan...

Buti pa si kuya oh
, consistent sa pagiging demure


Of course this is a rare opportunity! Kelangan may souvenir!!

Nako I bet closeta si bakla. Kung out yan, topless pic ang ninakaw niya! Chuice!

Speaking of closeta...

Pero meron talagang,"Carpe Diem!" ang motto sa buhay! They will definitely do anything, makalapit lang!
Eto oh! Makahawak lang!

DI NGAAAAAA?!?!?

Oh well, I can't blame them bilang nakakaloka talaga si Mario! News came out that he's coming to the Philippines for a modeling stint and a film. Pwes, makikipag patayan ako, makita ko lang siya!!! CHAROT!!!

Pag nagkataon, move over Toni Gonzaga...


Baboo!


Thursday, August 4, 2011

On Mobility and Technology. Che! Di to serious ha!

Fifteen (15) years ago, having cellphone was not necessary because telephones were readily available at home, in the office and even in your local sari-sari stores. Also may mga payphones naman-kelangan mo lang ng barya or kung sosyal ka, FONKARD! Or if you really want to be mobile, you can always bring an "over-over" radio-pero shempre pang mayaman lang yun unless gusto mo mapagkamalang bodyguard.

Then came the beeper/pager. Na medyo useless naman because you still need a phone to send a message or reply to one. Finally nauso na ang cellphone courtesy of Motorola and service provider ISLACOM (konsepto!). Back then palakihan ang laban . Winner ka kapag ang cellphone mo ganito...

Parang cordless phone lang???

or narating mo na ang tugatog ng tagumpay kapag ang cellphone mo...

May sariling handbag!!!

I think the cellphone madness started when Globe introduced the concept of Texting. Naalala niyo ba ang commerical ng dalawang pipi ( Rated GP poh!) na nag-uusap through text?

Ok ang haba na ng intro. Gusto ko lang naman magkwento ng aking journey through different phones and how my current disposition affected the choice of unit . According to experts, you can determine one's personality through his/her phone. CHAROT! Gawa-gawa ko lang yun.

Anyway, I had my first phone when I graduated from elementary. Valedictorian ako nun so deserve na deserve ko ang isang...

Nokia 5110!

Aside from texting and snake mejo wala nang excitement ang phone na ito. So kinabaliwan ng tao ang ibat-ibang kaartehan.

Some people collected casings or housings which came in a rainbow of colors, cartoon characters at kung ano-ano pa. May clear casings din. I remember having a clear aqua and gray. Pero hate na hate ko yung CLEAR NA CLEAR! Ang sakit sa mata. Leche yung mga ganon na nasa sinehan! Chuice!

Uso din ang pagpapalit ng


KEYPAD!

At shempre hindi mawawala ang pagbabago ng BACKLIGHT at ang waley na waley na paglalagay ng...

ACETATE!!!!! Sorry jinujudge ko ang nagpapaganito! :p

Apparently 5110 marked the end of the antenna era. After that lumabas ang 3210. But that came right after I got my first phone so I skipped it. Then lumabas ang


3310!

I must admit nagpabili ako ng ganito for one reason...


Space Impact! Na never ko namang natapos

And of course Snake II and Bantumi na sungka lang naman talaga. Tapos may composer na rin para makapag-imbento ng ringtone and Paint para makagawa ng wallpaper! In fair, kinarir ko yun dati!!

For some weird reason, I wanted to be profesh in second year high school. And so I shifted to...


Nokia 7110

Ewan ko I guess I was fascinated with the roller. And oh! May TENNIS!!! Gamer much??? Dahil mejo malaki to my friend Maan once asked "Is your phone an attempt to save the last of your masculinity???" Che! Never kong naisip yun!!!

One year later, my mom challenged me to top the batch at the end of junior high and she will buy me a new phone. That time uso na ang colored screen. Eh di determined naman daw si pota to study harder. And so I succeeded at napa-loan ang nanay ko ng bongga. CHOS LANG!


I got the white one! Na naging cream na after 3 years.

When I get a new phone, my mom gets to use the old one. In college, she bought a flip phone. Shempre hindi pwedeng kabugera siya so kelangan kong higitan. For the first time, I shifted brands. Sleek, sexy and sophisticated na daw ang peg ko nung college. In short BEKING BEKI!!!


Motorola V3i

Im sorry talaga sa phone na to pero eto ang pinaka-battered. I guess I was just so stressed and emotionally unstable (meaning: love problems PWEH!) so na-channel ko ang galit sa kanya. Hinahagis, tinatapon. Ayon bumigay! Naputol yung hinge so wala na akong makitang display.

My sister was kind enough to lend me to her old phone kaya retro ang ganda ko.


I guess I wasn't completely "healed" yet because I almost burned that phone with a soldering iron! WALEY! SOREEEEH!

I then became president of COA so dapat profesh na profesh ang appeal! I needed to have mobile internet, a decent organizer etc. So I bought a...

BARETA! CHAROT!

It was one of the first qwerty phones in the market so tingin ng lahat ng tao alien! One day tinanong ako ng security guard in a very mapang-okray manner ng "Ano yan??" Sinagot ko ng "Bomba. Gusto mo hagis ko sayo???" Sabay mabilis ng bawi ng "JOKEEE LAAAANG" Baka ipapulis pa ako ni pota.

In fairness I could say that this was my best phone so far. Hanggang ngayon buhay pa at ginagamit ni mudar. Now I have a blackberry. Channeling yuppie vibe kuno.

I dunno what I will be getting next. And when. Natempt akong kumuha ng Galaxy Tab para pwedeng panghampas sa mga magnanakaw pero wala pa yan sa budget.

Ikaw? What's your cellphone journey? Send me your stories because I'll be giving away a phone to the the best entry!!!!



ETO O!!!! CHUICE!!!

Baboo!

Monday, August 1, 2011

SOTANGHON!: The Sona Fashown Show

Apart from beauty pageants, awards nights and football games (WEH!?) isa sa mga inaabangan ko ay ang State of the Nation Address (SONA). Not just because the president gets to report the accomplishments of the current administration but also because of the now known SONA Fashown Show.

It's funny that most Filipinos consider SONA as the Oscar's Red Carpet of the Philippines. Well inatemmpt ng Luna Awards way back in the early 2000's-complete with Porsches and Jaguars (mag-research kung hindi alam) pero na-wit...pinilit pa kasi magpaka-sosyal. But in this event we see real designer gowns, gems and luxury cars paraded in Congress as if mocking the poor and the oppressed in our society. (Mareng Winnie, ikaw ba yan?!?! CHAROT)

Anyway, just like the President's Speech, may mga outfit na nasa tuwid na daan, may nasa daang-lubak lubak at merong mala-wangwang sa ka-chakhan!

Ladies, gentemen ang beqleengs, this is:

SOTANGHON
S
tate of the Terno and Nationalistic Gowns: Huwaw Or 'Nudaw???


Let's start with those with HUWAW Factor! Eto ang mga kasuotang tila nasa tamang at matuwid na landas

O diba? Diyosang-diyosa lang ang peg! The color matches her complexion and her hair. And I like the fact that it had lots of details but were made to blend with the gown itself.


Our very own Vice Mayor came in this very simple number. Di kasi kelangan bongga lagi. And I like the make-up too! The touch of pink gave her just the right amount of glow!


Eto naman so dainty and classic. Kaya naman sosyal na sosyal lang at hindi trying hard.

But of course it's okay to put a modern twist like this one...

I love how different fabrics were used to add a little flair to what could have been a boring white gown. Take note, maayos ang pagkakagawa. Hindi mukhang petticoat!

Speaking of twists, eto award na award!

Simple at first glance. Nothing worthy of praise. But if you look closely, notice how the embroidery of a traditional barong was created on the dress. Ang galing lang ng nakaisip!

And then there are those na tila naiwan sa daang mabato at lubak-lubak:

TULONG!! NAKAWALA YUNG MANOK NA PANABONG NG TATAY KO!!!!!

Speaking of manok...
Ma'am sino po bang peg natin dito?

Si Black Swan or si Miley Cyrus? heeeheeeheee

Nako di ko mahulaan. I bet siya, kaya niyang manghula...

Gusto ata kabugin si Madam Auring!!!!

Meanwhile, may nagpapalaganap ng Save Mother Earth Campaign

Environment Friendly vibe po ba ang gusto niyo? In fair, achieve na achieve po yan ng inyong ECO TOTE gown!

Pero kung ayaw niyo ng malaking tote bag...


MAG POUCH BAG KA LANG! Nako kaya pala naubusan ng pouch yung mga nagbebenta ng PRESWUTER PURLS sa Greenhills!


Grabe nakakainit ng dugo ang mga suot nila!! I think I need to cool myself down with

TWIN POPSIES!!!! CHUICE!

Or pray that some superhero will save the day tulad ni
ULTRAMAN!!!!!

But wait there's more, kaya naman hindi mawala-wala yang lubak na daan dahil may mga WANG WANG pa rin sa lipunan na kelangan sugpuin. These are the common crimes that lead to bigger problems. Ang mga anay na sumirira sa pundasyon ng lipunan. Meganon??

For example...
PAGNANAKAW

Hoy table runner namin yan!!! Ibalik mo!!!!


PAGMAMALIIT SA IBA


Teh, alam mo na bang naimbento na ang Alterations Plus???

PADRINO SYSTEM

Hello Ninang! Mano Po!

BRIBERY

Nako naman, nag-abala pa kayong magpa gift wrap!

at ang napaka-kontrobersyal na

PORK BARREL FUND!

Grabe natatakam ako sa bacon ngayon na!

Well its just PNoy's first year in office so there are still a lot of things to be done. And as we hope and work hard for the transformation of our beloved country sana sa mga susunod na SONA fashion show, mas marami na ang nasa matuwid na daan!

Baboo!


---
Photos courtesy of Pep.ph and SunStar.






Related Posts with Thumbnails